MANILA, Philippines — Ipinagmalaki ng embahada ng Pilipinas sa
Singapore na mataas ang interes ng mga Singaporean investors na maglagak ng
kanilang puhunan sa Pilipinas.
Sinabi ni Philippine Ambassador to Singapore Joseph del Mar Yap, sa
katunayan ay bumuo pa ang mga Singaporean businessmen ng tatlong delegasyong
tutungo ng Pilipinas para pag-aralan ang iba’t ibang investment opportunities.
Ayon kay Amb. Yap, nais samantalahin ng Singaporean businessmen
ang malakas na consumer market na nakita sa hanay ng middle class.
Patuloy rin umano ang pagpalo ng gross domestic product (GDP) sa
higit sa anim na porsyento at target pang mapataas ito.
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento