MANILA,
Philippines — Inaprubahan na ni Pangulong Duterte ang pagsuspinde ng excise
tax sa oil sa ilalim ng TRAIN Law.
Inanunsiyo
kahapon ni Budget Sec. Benjamin Diokno na nakatanggap na siya ng memorandum
mula kay Executive Secretary Salvador Medialdea na nagsasaad na aprubado na ng
Pangulo ang suspension ng excise tax on oil mula Enero 2019.
Magugunita
na inirekomenda ng economic managers kay Pangulong Duterte na suspendihin ang
P2 excise tax sa langis sa susunod na taon.
Ayon kay
Diokno, itinuloy nila ang rekomendasyong ito kahit pa inaasahan nilang may
ibababa pa sa presyo ng langis sa international market sa hinaharap o sa mga
susunod na buwan.
Paliwanag
pa ni Diokno, magandang balita ito dahil makatutulong para maiwasang sumirit
pa pataas ang presyo ng mga bilihin.
Hindi
naman masabi ni Diokno kung hanggang kailan iiral ang suspension ng dagdag na
P2 excise tax sa langis dahil depende ito sa lagay ng magiging presyuhan ng
langis sa world market at pag-aaralan muli ng economic managers ang sitwasyon. Ito ay malaking tulong para sa mga konsumedor kung saan nadagdagan ang kanilang badyet para sa gasolina.
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento