MANILA,
Philippines — Nanindigan si House Speaker Gloria Arroyo sa kanyang kautusan na
bawiin ang protocol plate number na otso ng mga kongresista.
Ginawa ni
Arroyo ang kautusan matapos makita ang sasakyan ng ilang kongresista na
gumagamit pa rin ng plakang otso.
Sinabi ni
Arroyo na opisyal ang kanyang kautusan para sa recall ng protocol plates na
binasa sa plenaryo noong Miyerkules.
Ipinauubaya
naman ng Speaker sa Secretary General ng Kamara ang pag-imbentaryo ng mga
na-issue na protocol plates sa mga naging kongresista hanggang noong 16th
Congress.
Bahala na
rin umano ang House Secretary General kung ano ang nararapat na hakbang ng
Kamara laban sa mga kongresista na hindi magsasauli ng protocol plate.
Kahapon
naman sa Sandiganbayan, ay naka-otso na plaka pa rin ang ginamit na coaster ng
pamilya ni Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos.
Bukod
dito mayroon pa rin pumapasok sa Batasan complex na isang puting Land Cruiser
gamit pa rin ang protocol plate.
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento