MANILA, Philippines – Ayaw ni Pangulong Duterte ng
political dynasty subalit napilitan lamang ang kanyang pamilya na tumakbo sa
mga posisyon dahil sa mismong taga-Davao City ang may gusto nito.
“So ayaw ko ng dynasty but we are forced. At saka
magtanong ka, punta kayo ng Davao. You conduct a survey. Itong mga interesado
na dynasty, dynasty eh ‘di pumunta kayo na sa tao,” paliwanag pa ni Pangulong
Duterte sa kanyang mensahe sa Philippine Business Conference and Expo
kamakalawa ng gabi.
“Tanungin mo ang tao, dito tanungin mo. It’s still
political families. Because sabihin naman ng mga barangay captain, “ah ayaw
namin ‘yan”. Ah hindi na magkakampanya ‘yan kung ayaw nila. At saka usually
‘pag naumpisahan ng isa, tuloy-tuloy na ‘yan kasi hingiin ng mga tao na ‘yan.
So that’s politics,” dagdag pa ni Pangulong Duterte.
Ginawa ng Pangulo ang pahayag matapos magsumite ng
kanilang certificate of candidacies ang kanyang mga anak sa Davao City na sina
incumbent Mayor Sara Duterte para sa re-election, si resigned Vice-Mayor Paolo
Duterte na tatakbong kongresista at si Baste Duterte na magiging runningmate ni
Mayor Sara.
“Ngayon, tatakbong congressman si Pulong sa first district
ni Nograles. Eh ‘yung kapatid naman, ewan ko kung anong bakukang na napasok kay
Inday, pinilit niya itong ano ngayon bunso, si Sebastian. Walang ginawa ‘yan sa
buhay. Mabuti meron na siguro kung i-vice mayor niya,” dagdag pa ni Pangulo.
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento