MANILA,
Philippines — Epektibo pagpasok ng buwan ng Nobyembre ng taong ito ay P10 na
ang singil sa minimum na pasahe sa mga pampasaherong jeep mula sa dating
P8 minimum fare para sa unang apat na kilometrong takbo ng sasakyan.
Ito ay
makaraang aprubahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory
Board ang fare hike petition ng mga transport group na FEJODAP, ACTO,
ALTODAP, LTOP at Pasang Masda.
Binigyang-bigat
ng LTFRB sa kanilang desisyon ang rason ng naturang mga transport groups
na matindi na ang epekto sa kanila ng patuloy na pagtaas ng presyo ng petroleum
products at presyo ng mga bilihin at spare parts kaya napapanahon
na anila ang bagong dagdag sa pasahe.
Hindi
naman naaprubahan ang hiling ng mga itong dagdag na P2 na taas sa
singil sa succeeding kilometer dahil sa kawalan ng basehan.
Ang fare
hike ay nilagdaan ni LTFRB Chairman Martin Delgra at board members
Ronaldo Corpuz at Aileen Lizada.
Makaraan
ang 15 araw makaraang mai-publish sa mga pahayagan ang kautusan ay saka
pa lamang magiging epektibo ang fare hike na papatak ng November 1.
Magugunitang
noong Hulyo ay inaprubahan ng LTFRB ang P1 na provisional increase o
pansamantalang dagdag sa minimum na pasahe. Dahil doon, pansamantalang naging
P9 ang minimum na pasahe sa jeep.
Pero
dahil sa bagong desisyon ng LTFRB, wala nang bisa ang provisional increase,
kaya sa halip na P11, P10 ang minimum na pasahe.
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento