MANILA, Philippines: Isang bagay na lagi kong pinupuri ay iyon tatag ng Eat Bulaga.
Imagine 40 years na sila Tito, Vic, Joey ang haligi, napapalitan lang mga nasa
paligid pero hanggang ngayon ayan pa rin sila. Kasi nga alam ng tatlo
mag-delegate ng trabaho, basta darating lang sila sa studio as hosts at may
kanya-kanyang trabaho ang mga tao. Kaya wala silang stress, bihirang uminit ang
ulo at hindi napi-pressure. Nagbibigay sila ng mga ideas na puwedeng gawin kaya
smooth lahat at si Papa Tony Tuviera lang ang head sa lahat.
Hindi siguro ito puwedeng mangyari kung host ka na producer ka pa
at lahat hands on at pakikialaman mo. It will have a toll on your health at sa
pakikisama mo sa tao at mga direct staff mo. Makikita mo iyan sa mukha at
katawan ni Willie Revillame, pagod na pagod, madalas maysakit kasi nga sa kanya
lahat ang trabaho, siya ang direktang umiisip ng lahat kaya physically
bumibigay ang katawan niya.
Sana kung host lang siya, sana producer lang siya, pero lahat
trabaho niya. Kung gusto ni Willie na magtagal hindi lang iyon programa pati
katawan niya dapat may mga tao na siya bahala sa lahat. Iyon na lang pagiging
host niya ang alagaan niya. Mahirap ang maging master of all dahil health mo
magsa-suffer.
Enjoy your place Willie, take time to smell the flowers. Huwag
subsob sa trabaho. Tingnan mo sila Tito, Vic, Joey, mukhang young, feeling
young, kasi relax ayaw pa-stress. Kahit si papa Tony Tuviera relax relax din.
Ganyan gawin mo!
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento