Larawan ni Bela Padilla |
Makapagpapakilala sa dalawa
may malaking pabuya?
Tulung-tulong
daw ang mga close friend ni Sen. Sherwin Gatchalian sa paghanap ng tamang
babaeng mapapangasawa niya.
Nakausap
kasi namin si Atty. Ferdie Topacio sa radio program namin sa DZRH at nabanggit
niyang gusto na raw ng naturang senador na mag-settle down.
Close
kasi si Atty. Topacio sa pamilya Gatchalian dahil isa siya sa legal team ng ama
ng senador na si Mr. William Gatchalian.
Napapag-usapan
daw nila minsan na tila interesado si Sen. Gatchalian kay Bela Padilla. Kaya
inaayos daw nilang magkakilala ang dalawa.
Saad ni
Atty. Topacio; “Ang problema kasi ni Sen. Win eh gusto na niya mag-asawa at si
Bela nga ang gusto niyang makilala. Wala namang mahanap na pagkakataon.
“Baka
naman kayo makagawa ng paraan na magkakilala sila. Magbibigay ako ng pabuya na
trip to Hongkong pag napakilala nyo si Bela kay Sen. Win Gatchalian.”
Sinundan
namin ng tanong si Atty. Topacio kung paano nga ba nagkainteres si Sen.
Gatchalian kay Bela?
“According
sa aking kaibigan, si Bela…she topped among the rest pagdating sa mga artista.
“She is
not only lovely, but she is talented and she is intelligent.
“Di ba
gumagawa siya ng sariling script di ba? Nagpu-produce pa ng sariling pelikula.
“Ibang
klase talaga si Bela. Hindi lamang maganda, matalino pa.
“Ikararangal
ng isang senador, o kahit na sinong lalaki for that matter na kung maging
kasama niya sa buhay ay si Bela Padilla,” pahayag ng kilalang abugado.
Binanggit
uli ni Atty. Topacio na seryoso siya sa offer niyang iyun na magbibigay siya ng
trip to Hongkong with free accommodation, at pocket money sa kung sino man daw
ang magpapakilala kay Sen. Gatchalian sa kilalang aktres.
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento