MANILA, Philippines
— Itinuring ni dating Presidential spokesman Harry Roque na isa sa hindi tamang
ginawa ni Pangulong Rodrigo Duterte ay ang paghalik nito sa isang babaeng
overseas Filipino worker sa South Korea.
Sinabi ito ni Roque
sa Gandang Gabi Vice program ni Vice Ganda sa ABS-CBN kamakalawa ng gabi.
Tinanong kasi ni
Vice Ganda si Roque, kung sa tingin nito, ano ang ‘inappropriate’ na nagawa ng
Pangulo at tahasang sinabi ng dating presidential spokesman na ang paghalik ng
lips to lips ni Pangulong Duterte sa isang OFW sa South Korea.
“Patay na ako,”
wika pa raw ni Roque noong mangyari ang kissing incident sa OFW sa South Korea.
Nang tinanong si Roque
kung bakit dinepensahan pa niya noon si Pangulong Duterte sa nangyaring
kissing incident at ang naging sagot nito ay dahil trabaho niyang ipagtanggol
ang pangulo.
“Naniniwala akong
ang pagsisilbi sa mga kababayan ay sa pamamagitan ng pagsisilbi sa president na
kinabibilangan ng pagtatanggol sa kanya kapag may nagawa siyang mali,”
paliwanag ni Roque.
Samantala, kahapon
sa pagharap sa huling pagkakataon ni Roque sa Malacañang reporters ay sinabi
nitong nagsabi lamang siya ng totoo niyang opinion nang tanungin siya ni Vice
Ganda sa kanyang pananaw kung may ‘inappropriate’ na nagawa si Pangulong
Duterte.
Ayon pa kay Roque,
sa kanyang palagay, sumobra na iyong halikan na isang bagay na naobserbahan din
ni (Davao City) Mayor Sara (Duterte) at gayundin ng iba.
Samantala, inihayag
din ni Roque na hindi siya tatakbo bilang senador kundi mas pinili niyang
tumakbo bilang partylist representative.
Sinabi ni Roque sa
media briefing sa Malacañang na matapos silang mag-usap ni Pangulong Rodrigo
Duterte ay pinayuhan siya na huwag ituloy ang pagtakbong senador na kanya
namang susundin.
Aniya, tatakbo siya
bilang 1st nominee ng Luntinang Pilipinas Partylist at nakatakdang
maghain ng certificate of candidacy sa Commission on Elections (Comelec) kung
saan ang 2ndnominee ay si Ciarra Sotto.
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento